Friday, June 21, 2024

Bayani ng Paggawa

by Lea Katrina Canizares | Mayo 5, 2023

Nagsisipag, nagtatrabaho sa bawat araw 

Ngunit minsa’y ’di sapat ang natatanggap 

Mga manggagawa’y inaapi,inaawa’t,tinutuligsa

Ngunit sa pagkakaisa, mayroong pag-asa.

Ipaglaban natin ang karapatan ng lahat 

Sa trabaho, sa sahod, at kaligtasan 

Sama-sama tayo sa pagsulong ng hustisya

 Para sa mga manggagawa, sa buong Pilipinas.

Sa araw ng paggawa, handa tayong lalamaban

 Para sa ating mga karapatan, hindi bibitawan 

Walang iwanan, walang pababayaan. 

Ito ang ating laban.

Ang bawat isa’y mayroong pakinabang. 

.

Sa bawat hakbang, tayo’y magiging matatag. 

Sa bawat laban, tayo’y magiging malakas. 

Ito ang ating panata.

Aming mga manggagawa, kayo ay mga bayani 

Na handang magpakamatay para sa ipinaglabang adhikain.

Ipagbunyi ang paggawa, ipagdiwang ang tagumpay

Para sa kalayaan, katarungan, at dangal. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest articles