Sunday, May 26, 2024

Pagpupugay

ni Keisiah Dawn Tiaoson | Abril 27, 2023

Pagpupugay sa laro ng lahi!

Mata sa tropeyong mithi.

Ha! Puwedeng humalakhak.

Ha! Sumigaw sa galak!

Sinta ko ay lalaro, 

kaibigan ko ay mamamalo

Sa wakas! Sa wakas!

Pahinga sa utak at –

basahin ko’y maipapabukas

aralin muna’y ipapawakas.

Pagpupugay sa kasiyahan!

Pikon basta at  iiwanan.

Sino ang huli? Sino ang wagi?

La! May sombrerong pahaba.

La! Mainit sa baba.

Nasaan ang chess? Ay, ang e-games?

Doon tulog ang araw,

Doon matagal mauhaw. 

Gayon pa man, ano pa man

Sigaw ay —

Pagpupugay! Pagpupugay!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest articles