Wednesday, February 21, 2024

Minahal. Iniwan. Pinagpalitan.

ni Ivan Anthony A. Adaro | Pebrero 24, 2023

Puso ko’y binihag mo!

Sinungkit na parang bituin

Nahulog sa kamay mo.

Sindi nito’y lalong kumikislap

Habang hinalikan mo ‘to ng matamis.

Ako ang pinakamasaya na bituin, 

O kaya’y naisip ng puso ko.

Kinabukasan, hindi kita nakita

Ika’y nawala na parang bula! 

Pero, heto pa rin ako, naghihintay sa’yo.

Habang lumulubog ang araw sa gabi,

Pinagmasdan ko ang ilaw na unti-unting nawawala

Hanggang sa ito’y namatay kagaya ng puso ko

Nung nakita kitang nakatingin na sa ibang bituin.

Minahal kita na parang buwan.

Sabi mo na mamahalin mo rin ako na parang bituin.

Eh, kung ganon, bakit ang dami namin?!

Tumingin ulit ako sa mga mata mo

Ang parehong pares na dumurog sa puso ko.

Kung alam kong iiwanan mo lang ako,

Sana hindi mo na lang binihag ang puso ko!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest articles

tWS Comics Vol. 13

Policy prevails

tWS Comics Vol. 12