Friday, June 14, 2024

Buhangin

ni Lea Katrina Canizares | Nobyembre 4, 2022

Mahinahong nakahiga,

‘di ko pinapakita ang aking pagkabalisa

Sa mga hugis na inuukit ng mga tao

o sa mga hakbang na kanilang tinatahak.

Matiyaga akong naghihintay sa pagdalaw ng tubig

Dahil nililinis nito ang anumang bakas habang sumasayaw ako dito.

Subalit, kahit minsa’y dinadala ako sa karagatan ng mga malalakasing alon,

Ipinaglalahad pa rin ang kagandahan nito na sumasalamin sa langit.

Kahit na meron itong mga kwentong galing sa galit ni Poseidon

at mga sirena na namamangha ng mga tao,

Punong-puno ito ng mariringal na nilalang

Na nagtatago ilalim sa mga mayayamang hiyas.

At habang umakyat ako pabalik sa ‘king pwesto,

Bakas sa mukha ko ang tapang.

Samantala, ang araw ay kumikinang sa turkesang kalangitan. 

Sinasabi nito sa lahat na damdamin ang init sa ‘king katapangan

Habang sila’y nakahiga sa ilalim sa sinag ng araw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest articles