Wednesday, February 28, 2024

Pinipili at Tinatangi

by Emmarie May Bonganciso | March 4, 2022

Lumaki siya sa kabukiran, pag-aalaga at pagbebenta ng karneng baka ang pinagkikitaan. Tumira rin siya sa lungsod, nag-aral at nagsiyasat. Pawis at luha ang naging puhunan niya sa kanyang pagtitiyaga. Naranasan niyang maging serbidora’t magluto para sa dose-dosenang tao. Dumayo siya sa mga malalayong sulok, nangungusang-loob sa bahay-ampunan. Nakapagsalita siya sa mga lektura at panayam, naging negosyante at manunulat. Siya’y naging samu’t saring katauhan sa isang katawan.  Pawis at luha ang naging puhunan niya, sa kanyang ngiti, at nang lumaon, sa natagpuan niyang pag-ibig. 

Bagama’t sa dinami-dami niyang napuntahan, nakilala at naranasan, hindi niya makita ang katumbas o kapalit.  Walang ibang maihahambing sa maliliit na kamay na kumakapit sa kanya ngayon.  Ang sandaling ito’y nanatiling kanyang pinipili at tinatangi. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest articles