Saturday, May 25, 2024

Sa Darating na Mayo

by Nikole Elli | January 29, 2022

Pilyong mga ngiti
Ang nasa likod ng animo’y tunay na pagkatao.
Galing at tapang s’yang ipinagtaas-noo
Pero pilit nangangapa sa pagpapakita ng
Angking talino at kakayahan.
Kailan gigising ang mga mamamayan at
Aaminin na ang kandidato’y
Balimbing, nagbabalatkayo?
Aanhin pa ang mga pangako,
Ng isang pulitikong wala namang kongkretong plano?
Abangan sa Mayo, ihalal natin ang karapat-dapat sa puwesto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest articles