Saturday, December 10, 2022

Sa Pagkawala ng Dagitab

ni Zarelle Glen Dorothy A. Villanzana | October 16, 2021

Sa pag-usbong ng bituin sa takipsilim ay
siyang durugtungin,
ang orasang tila umuurong,
na pinilit abutin.

Sa panandaliang pagpatay ng kuryente,
ang tubig na umaapaw sa palayok,
ngayo’y mananahimik, at hihimlay.

Ang ulong ipinagkanulo ng gulo,
Ngayo’y mapakikinggang nananahimik.
Sumasabay, nakatingala, walang imik.

Sa pagpatay ng mga ilaw,
ikaw ay napadungaw.
Kadiliman sa gabi—mga kandila’y humalili.

Nawa’y ang minsang nawawalang ningas,
masindihan muli ng munting kutitap na
bigay ng mga alitaptap sa paligid.

Mabagal na daloy, pahintulot upang
makapagmuni-muni;
pahinga ngayon,
pipikit, bukas muli.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest articles