Tuesday, March 21, 2023

??????? ??, ????????

Ni Junelie Anthony Velonta | June 4, 2021

May be an image of text

at ika’y magmilagro.
Gawin mo ang gawain ni Hesus
at lakarin mo ang dagat
na binaba(g)yo
ng mga mangingisda’t marino’ng dayo,
upang iyong mapatunayan at
maipakita sa lahat na
ika’y isang bayani
at nararapat ka sa posisyon mo.

Kung ‘di mo man ito magawa,
dahil ang tanging milagro
na alam mong gawin,
ay magpataas ng presyo’t gastusin
ng iyong mga proyekto,
at magpalaho ng ilang libo
(o baka nga bilyon-bilyon)
sa kaban ng mga binuhisan
ng gobyerno pinangunguluhan mo,
aba’y ika’y magsimula nang tumakbo.

Ma’y nakasunod na sa’yo
na handa kang saksakin patalikod
(sa susunod na eleksyon).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest articles