by Diamay Klem D. Balacuit | April 10, 2021

Ikaw ay lumiwanag kasabay ng buwan—
dala ang tanglaw para sa nakakarami.
Kasabay nito ang kaginhawaang
higit pa sa ginto’t salapi.
Sa iyong pagsibol ay dala-dala mo ang kagalakang
pagsilbihan ang sangkatauhan.
May nagbabagang apoy sa iyong kalooban
na pilit kumakawala
at handang iwaksi ang karimlan.
Ang iyong liwanag,
pilit mang takpan,
ikaw ay nagpapatuloy pa rin
sapagkat ikaw ay isang nagniningning
na bituin.