Saturday, December 10, 2022

?????????

by Angel Lea J. Regalado | February 26, 2021

Sa dilim ng ulap, ika’y nananatili.
Nalulumbay sa lamig ng daan,
At kahit anino man ay wala sa tabi,
Rinig Ka sa bulong ng hangin.

Sa bagsak ng ulan, ika’y nananatili.
Sa unang pagpatak ng ulan sa balat,
Takbo ng takbo upang β€˜di mabasa,
Hanap Ka sa lilim na Iyong nilikha

At sa paglapag ng bahaghari, ika’y nananatili.
Sa wasak na iniwan ng ulan, hanap-hanap ang kaginhawahan.
Lumilingon sa kaliwa’t kanan, sa itaas at ilalim,
Namamasdan Ka sa pangako dala ng bahaghari.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest articles