by Nikole Elli | February 12, 2021

Sa simpleng dampi ng mga labi,
Kilitiβt kalabit sa balat,
Isa-isang nababasag ang hapo ng
Pusoβt kaluluwa.
Ang bawat duda na dulot ng katwirang
Di magkatugma-tugma,
Ay naghihilom sa simpleng halik
Ng mga labiβng uhaw at sabik.
Nasisindihang muli ang pusong sawi,
Ginigising ang diwa sa samyo ng kilig,
At ang mga tinitimping tampo
Ay natutupok, nalulusaw at nagiging abo.
Namamagaβt nagliliyab
Ang dibdib na kay tagal
Nang naghihintay sa
Pangako mong pagdating.
Hinay-hinay,
Nasusunog sa init
Ang katawang
Nilalamon ng iyong bisig.
Nalulusaw ang diwaβt kaluluwa
Sa halinghing ng kasiping,
Kalakip na ang habiliβng
Bukas ikaβy mamahalin pa rin.