Sunday, May 26, 2024

Bugso ng Damdamin

ni Paul Ray G. Donaire | Oktubre 31, 2022

Ang matinding laban ay ilang hakbang na lang. 

Bagama’t, kahit ako’y isang maamong punla lamang, 

nais ko pa ring sungkitin ang pinakamataas na pamantayan! 

Ngunit sa halip na harapin ang laban sa kasalukuyan,

heto ako, nanghihila ng mga tinik na nakaharang sa ‘king daan. 

Mukhang tinuturok ko lang ang palaso sa maling direksyon, 

Tila inaksayan lang ang gintong pagkakataon.

Isang kabiguan—paikot ikot ang paroroonan.

Gayunpaman, ang sarili ko lang ang aking mapanindigan

Nawa’y magbunga ang aking pinaghirapan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest articles