Thursday, February 29, 2024

Kanlungan ng Pag-irog

ni Keisiah Dawn Tiaoson | Oktubre 14, 2022

Umalsa laban sa kahapong marahas,

Balot ng pag-asa sa layang asam.

Pag-asang hele sa gabing mapanglaw,

Oyayi ng poot na ‘di makasigaw.

Ikaw ang halimuyak ng bawat bulaklak,

Kaakibat ng mga halakhak.

Sa pagsalubong ng panibagong liwayway,

Ika’y tumindig, at nakipagdigma.

O bayan ko, kanlungan ng aking pag-irog,

Karagatan mo’y sagisag ng tapang.

Patag mo’y sagisag ng paghihimagsik.

Sa papuri sa ‘yo’y nangahas umalpas.

Pilipinas, langit sa pisngi mo’y bakas. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest articles