by Lealina Evangeline Reyes
Ako’y isang ibong nakatali ang paa
Sa hiwaga ay pinapakanta
Mga titik, nais di madama
Upang mapasaya ang aking madla.
Sa umaga’t gabi ay may palakpak
Para sa’king awit na isang iyak
Di makalayo sa mga halakhak
Di makalipad ang nasirang pakpak.
Pilak na kadenang kaysikip
Sinusugatan ang aking binti
Ang aking buhay, labis na hinanakit
Pakiusap, pakitaan ng bait.
Ngunit ako’y titindig, magpapasaya
Dala-dala ang bigat ng ‘king biyaya
Isang panaginip sa’king mga mata
Ibong mapalad, ibong malaya.