Friday, February 3, 2023

Himig sa Dalampasigan

ni Lea Katrina Canizares | Disyembre 9, 2022

Sa dalampasigan, kiliti ng haring-araw sa ‘king nakaarkong labi ang bumungad

Tinutunaw ang nanlalamig na puso dulot ng kanyang mga sinag. 

Kagaanan habang nagpapaanod tungo sa katarikan ay aking naramdaman

Bagama’t ang mga paa’y nakatali sa libingan.

Nanatiling nakayapak sa mapipinong buhangin

At ninanais na marinig mula sa ‘yong dila ang awitin.

Subalit, tinatangay ng hangin ang mga liriko sa ‘king kamay

Iyon pala’y awit na ‘di pa kinakanta. 

Pinagmamasdan ko ang maliit kong hakbang sa dalampasigan 

Habang naglalaho ang luha ko sa ingay ng mga along nagpapalitan.

At ang lahat ng patak nito ay sumusulat ng maririkit na awit

Isang makabuluhang mensahe ng lumbay at pag-ibig.

Ang pag-ibig ay isang musikang binubuo ng dalawang pusong nagmamahalan.

Ang pag-ibig ay isang musikang nanatiling matatag kahit sa malamig na kalagayan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest articles